header image
 

Sana may liwanag…

Napakatanga ko… sa tagal ko nang kinopya ang iyong pahayag, ngayon lamang ko lang ito nabasa… Alam ko na gusto mong wag nang magsalita ang sinuman na hindi mo sinasabihan non… ngunit hindi ko kaya! Habang binabasa ko iyon ay kulang nalang suntukin ko ang monitor na nasa harapan ko ngayon upang hindi ko na ito mabasa pa… Nagngingit-ngit na ako sa galit! Galit na galit na ako sa lalaking hindi ko kilala pero alam kong sinaktan ka. Para kasing sinaksak ako sa likod nang malamang sa kabila ng mga ngiti mo ay hindi ko nalaman na naghihirap ka na pala. Siguro nga tama ka ng sabihin mo sa akin noon na hindi pa kita kilala, at walang basehan kung ano man ang mga sinasabi o “nararamdaman” ko. Gusto kong tulungan ka, ngunit wala akong magawa… Naaasar tuloy ako sa sarili ko dahil sa kabila ng lahat ng mga sinabi ko wala akong magawa. Masakit saking malamang lumuluha ka… Alam ko ang pakiramdam! Dahil ganyan ako tuwing gabi sa loob ng ilang taon, tuwing naiisip ko na hindi kita pwedeng makasama. Wag sanang pahintulutan ng diyos na gumawa ako ng hakbang na maaring masaktan ka o kung sinuman “siya” na mahal mo. Ayoko’ng gumawa ng ano mang maaring magdagdag sa paghihirap mo. Alam kong matagal mo na itong sinulat o sinabi ngunit sigurado parin ako na nasasaktan ka parin sa tuwing maaalala mo yon. Ngayon palang baka nga nagkamali na ako nang ginawa ko ito kaya pasensya na. Gusto ko lamang tulungan ka. Sana nga lang malaman ko kung paano ka tutulungan. Mahina ako pagdating sa mga ganyang bagay. Pero ayoko’ng isipin mo na ginagawa ko ito dahil naaawa ako sayo or nagmamakaawa ako. Ginagawa ko ito ngayon kasi gusto kong gayahin kung ano ang ginawa mo… Ang sabihin kung ano man ang nasa loob ko. Nabubuwisit ako kasi marami akong gusting sabihin ngunit hindi ko masabi. Hindi ko alam kung pano sasabihin o kung pano ilalabas sa puso ko. Naninikip ang dibdib ko habang sinusulat ko ito. Pero ngayon, masnasasaktan ako kasi pakiramdam ko masbale wala na ako sayo… Kung baga, kung ano man yung nalalabing konting pagasa sa puso ko (na galing sa mga suporta ng aking mga kaibigan) ay wala na…

Alam kong maaaring bale wala lang sayo ang lahat ng mga sinasabi ko… Siguro nga baka naisipan mong wag nang basahin ito nang ito’y iyong bukasan at burahin nalang. Pero wala akong pakialam. Hindi ko sigurado kung ano ang mararamdaman o sasabihin mo sa akin. Ngunit wala na rin akong pakialam. Ayoko’ng guluhin ang isip ko upang subukang alamin kung ano ang magiging reaksyon mo. Siguro pagkatapos nito lalong mawawalan ako ng pag-asa sayo, na maaaring wala naman sa simula palang. PERO!… pero ayokong isipin mo na nagiisa ka. Maraming nagmamalasakit sayo. Maaaring wala nga akong magawa sa mga pasanin mo… Pero kahit papaano, nais kong pagagaanin ang loob mo sa pamamagitan ng… BWHA! Relax ka lang… nakasimangot ka nanaman eh! Tatanda ka agad nyan!:)

Alam ko… ANG GULO KO NOH?! Pero sigurado ako sa sasabihin ko… MAHAL KITA!… hangang sa mawala ako…

-A reply to a goddess…

~ by jaguar-ninjas on January 12, 2006.

Leave a Reply